Warning: ang susunod na kwento na iyong mababasa ay hindi pang freshman at angkop lamang sa mga may gulang 18 taon pataas. Huwag mo na ring basahin kung nababastusan ka sa mga salitang tamod, jakol, suso, at politika. Isarado mo na lang ang facebook at yung porno na kanina mo pa hinihintay matapos; magbasa ka ng dyaryo at tingnan kung may bobong mamamahayag na isinulat ang pangalan ng nanalo sa lotto. I text mo ako (09064493426) at magkita tayo sa ilalim ng blue bridge sa Katipunan; huwag mong kalimutang magdala ng baril at isang piso. Hindi ako makakapagreply sa yo dahil wala akong load.
Sindi ng yosi.
Noong unang panahon, mga apatnapung taon ang nakakalipas... yata. Hindi ako sigurado kung kailan ito nangyari dahil hindi rin naman ako sigurado kung nangyari nga ito. Pero malay mo, maaari rin namang nangyari nga ito; kung may unang panahon nga. May isang napakakisig na binatang batak na batak ang masel dahil sa pag inom ng Revicon. Tawagin na lang natin siya sa pangalang Reginald Candelaria; iba talaga ang pangalan na nasa isip ko ngunit baka mabasa niya ito, dahil meron din pala siyang facebook at friend ko pa pala, at maisipang gumawa ng alamat tungkol sa akin na mas masagwa pa kaysa dito. Nakatayo siya sa gilid ng Sunken Garden sa UP at pinagmamasdan ang mga taong dumaraan. Sigurado akong hindi ito nangyari sa Zen Garden dahil hindi naman daw talaga Zen Garden ang tawag dito. Ang mga lugar lang na may buhangin ang may karapatang kunin ang apelyidong Zen. Sayang, nawala na ang Meron Pond at pinalitan ng sementong fountain na bumubula ang tubig. Kung sabon nga ang sanhi nito, wala nang makakaalam dahil nasa lumang library na ang rebulto ni St. Thomas Moore.
Hithit.
Itinaas ni Reginald ang kanan niyang kamay, hindi para kumaway sa kung sino mang tao na nakilala niya kundi para siya ulit ang pagtuunan ng pansin ng istoryang ito. Mabaho ang kili kili niya dahil sa putok, pero ayos lang iyon dahil siya naman ang bida dito. Ibinaba niya ang kanyang kamay dahil may isang dalagang napadaan at nasuka nang maamoy ang anghit niya. Tiningnan niya nang masama ang dalaga hanggang makarating ito sa tawiran. Huminto yung dalaga nang mapansing may mga sasakyan na dumadaloy sa kalsada. Tumawid lamang siya nang wala nang sasakyan sa kalsada. Buti pa yung dalaga, marunong tumawid nang tama; di tulad ng isang grupo na nakita ko kanina habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Basta basta na lang silang tumawid kahit na naka go na ang mga sasakyan na nasa harapan namin. At nagtataka pa rin tayo kung bakit lugmok pa rin sa kahirapan ang Pilipinas. Buti sana kung nasa Ortigas sila kung saan tao ang hari ng kalsada at hindi mga smoke belchers. Sa di kalayuan ay may overpass na punung puno ng mga bangketa na nagtitinda ng kung anu anong bagay. Kaliwa't kanan din ang mga bugaw na nagbebenta ng laman. Hindi mo naman sila masisi nang todo dahil hindi sana nila ito gagawin kung hindi lang pinabayaan ng gobyerno ang sektor na kinabibilangan nila. Ang hirap maghanap ng nag iisang tao na maaaring sisihin at papanagutin sa lahat ng kabulukang nangyayari ngayon. Sisihin na lang natin kung sino man ang nakikita natin sa salamin tuwing umaga. Magpasalamat ka sa kung sino mang diyos na iyong sinasamba kung si Britney Spears ang nakita mo sa salamin... pwera lang kung ikaw nga si Britney Spears.
Buga.
Napalingon si Reginald nang may mapansing nagjo jogging na may malaking suso. Pati ako ay napalingon ngunit napagtanto ko na wala pala ako sa UP. It's too late for isaw you know. Sumikip ang pantalon niya at hindi niya napigilang kumambyo. Tinititigan niya nang mabuti ang dalaga habang nagjo jogging ito. Biglang may isang lalaki ang humarang sa harap niya, nakatitig din ito sa dalaga at napansin niyang kumakambyo din ito. Sumigaw si Reginald, "Hoy! Putang ina! Tumabi ka nga! Baka gusto mong matulad sa South Korea!" Gusto kong ihirit na wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa South Korea at sana nga matalo sila kung magka giyera nga ang dalawa para naman mawala na ang mga Kpop bands. Ngunit hindi nga pala ako yung lalaki at wala ako sa UP; at kung nandun man ako eh hindi ako tatambay sa Sunken Garden dahil walang isawan dun. Hinarap ng lalaki si Reginald at nakapamewang nitong sinabi, "Hoy! Putang ama ka rin! Unang una sa lahat, kung maglaban man ang North at South Korea, mananalo ang South Korea dahil may fashion power sila. At pangalawa, hindi ako aalis sa pwesto ko dahil kitang kita ko mula dito yung mga lalaking naglalaro ng football na walang tshirt. Oo, football tawag dun." Hindi pa natatapos magsalita ang lalaki, oo lalaki pa rin siya dahil hindi pa naman niya pinapatapyas ang titi niya, ay naglakad na si Reginald palayo, papunta sa gitna ng Sunken Garden.
Tingin sa malayo.
Narating ni Reginald ang gitna ng Sunken Garden at nag Indian sit siya. Ibinalik niya ang tingin sa dalagang may malaking suso na nagjo jogging. Bumagal ang oras at ang kilos ng mga tao sa paligid niya, parang yung nangyari sa Click. Ang Click ay movie kung saan may isang ama na nakakuha ng isang universal remote control na kayang kontrolin ang mundo niya. Pinagbibidahan ito ni Adam Sandler na siya ring bida sa 50 First Dates, yung ginaya ng My Amnesia Girl. Sa pagkakaalam ko, gagayahin din nila ang The Matrix Trilogy kung saan si Pedro Penduko si Neo habang si Panday naman si Trinity. Shake, Rattle, and Roll daw ang magiging pamagat nito.
Taktak ng upos.
Ipinasok ni Reginald ang kamay niya sa kanyang bulsa at... kumuha ng panyo. Ginawa niya ito dahil napapansin na niya na kanina pa palipat lipat ang pinagtutuunan ng pansin ng kwentong ito. Isinuot pa naman niya ang paborito niyang brief dahil nalaman niyang magiging bida siya sa isang kwento. Isa pang beses na mawala sa kanya ang pokus ay sasayawin na niya ang Thriller sa gitna ng Sunken Garden. Matapos halungkatin ang bulsa at makuha ang panyo at pinunasan niya ang kanyang... mukha na pawisan dahil sa... init ng araw. "Ang init naman ngayon!" sigaw niya habang nakatingin sa araw, "tapos mamayang hapon bigla na lang uulan. Ang labo talaga ng PAG-ASA!" Ibinalik niya ang pansin sa dalaga na tuloy pa rin sa pagtakbo. BOING! BOING! BOING! BOING!
Hinga nang malalim.
"Bata, dun ka nga maglaro ng bola," sabi ni Reginald sa isang bata na abalang abala sa pagpapatalbog ng bola. Tumingin lang sa kanya ang bata at inilabas ang dila. BOING! BOING! BOING! BOING! Napabuntung hininga na lang si Reginald at napagdesisyunan na kausapin na lang ang babaeng tuloy pa rin sa pagtakbo. Palapit na si Reginald sa babae nang maalala niya na wala pala siyang dalang condom. Pero bakit nga naman siya magdadala ng condom, eh isa siyang debotong Katoliko. Kaliwa't kanan ang batikos na tinatamo ng Santo Papa dahil sa pagsuporta niya sa paggamit ng condom; pero para lamang mabawasan ang mga nagkakaroon ng STD at hindi para gawing contraception. May ibang tao siguradong nag iisip na maaaring gumamit ang Santo Papa ng condo bago nito namana ang holy throne ng Vatican. Tama, gumamit ang nga ang Santo Papa ng condom. Ngunit hindi dahil nakipag talik siya kundi dahil nag swimming siya isang araw at nakalimutan niyang magdala ng waterproof bag para sa kanyang iphone. Gumamit siya ng condom para maprotektahan ang kanyang iphone; at hindi nga nabasa ng tubig dagat ang kanyang iphone. Pero nasira pa rin ito dahil nabasa ng lubricant ang kanyang iphone. True story.
Hithit. Buga. Taktak. Hithit. Hinga nang malalim. Tingin sa malayo.
Sinayaw ni Reginald ang Thriller. At nag moonwalk siya habang palapit sa babae. Kung may moonwalk nga sa Thriller, bahala na; pareho namang kay Michael Jordan galing yun. Nalapitan na niya ang babae at kakausapin na niya sana ito nang bigla na lang tumawid yung babae. Nasapul ito ng jeep at nakaladkad hanggang sa dormitoryo ng mga freshmen. Ayan kasi, hindi tumatawid nang tama. Uy! Malapit lang dun yung isawan ni Mang Larry! Nalungkot si Reginald at napag desisyunan na umuwi na lamang. Nagmo moonwalk pa rin siya habang papunta sa sakayan ng jeep.
Buga.
Diretso sa Zen Room si Reginald pagdating niya sa kanilang bahay. Sobrang lungkot niya habang inaalala ang mga nangyari noong hapong iyon. Nagsimulang umulan. Pinalo niya ang kanyang unggoy at pinaputukan ang buhangin na nasa paligid niya. Nabuntis ang mga buhangin at nanganak ito ng bato.
Taktak.