Monday, January 25, 2010

Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Isang… Pusa!

Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Isang… Pusa!

Habang abala ang karamihan sa mga tao sa paghahanap ng kumpanya na mapapasukan para sa kanilang OJT o kaya naman para sa kanilang pinakaunang trabaho, nandito ako nagsasayang ng oras sa pag-iisip kung papaano matutupad ang pangarap ko na kanina ko lang ginusto – kung papaano maging isang pusa. Ganito kasi yung nangyari; habang hinihintay ko ang mga ka-grupo ko para sa gagawin naming interview (na wala din namang nangyari kundi paglilibot sa eskwelahan at pagkakaroon ng isang libreng handbook… may nakuha kaming libre? Ayus na pala yun), naisipan kong umupo sa isang bench na malapit sa lugar na pagtatagpuan namin. Sa harap ng bench na inuupuan ko ay may isang pusang sarap na sarap sa tulog niya. Inggit na inggit ako; muntik ko na ngang gisingin yung pusa dahil sa inggit pero di ko na ginawa dahil ayokong magulpi ng isang pusa. Sobrang nakakahiya nun; kung dinosaur pwede pa pero pusa, ayoko nun tsong. At dahil dun… wala na kong maisip na iba pang dahilan; gusto ko lang talaga na matulog kahit anong oras at kahit saan. Kaya gusto kong maging isang pusa. Wow ang astig, wala pa akong nasusulat na bastos kahit na kanina ko pa naisusulat ang salitang pusa; buti na lang hindi sa English ko isinulat to kundi sa title pa lang ay may bastos na agad akong nasabi.

Patalastas muna, marahil nagtataka ka kung bakit may pusa sa paaralan namin. Normal na ang mga pusa sa paaralan namin. At hindi lang pusa ang makikita sa eskwelahan namin. Mayroon ding mga ibon, paru-paro, palaka, butete (tadpole, mas masaya lang pakinggan ang salitang butete. Hindi pa counted yan na bastos), at sa tingin ko may ahas din dahil dapat matagal nang sinakop ng mga palaka ang Ateneo kung walang kumakain sa kanila. Mayroon ding mga Ninja Turtles at si Master Splinter; pero sa pagkakaalam ko na evict na sila dahil di sila bagay sa bagong library. Hindi daw pwedeng pumasok sa lib ang mga hindi nakasapatos. Ay oo nga pala, mayroon ding mga kuneho pero nakakulong lang sila. Walang eagle sa eskwelahan, pauso lang yung blue eagle. At sa pagkakaalam ko ay may mga tao din sa eskwelahan. Ayan, balik tayo sa regular na programa.

Gusto kong maging pusa (ang sama ng tingin sa kin ni Dog ngayon), dahil ang sarap ng buhay nila. Patulog-tulog lang kahit saan at kahit na anong oras. Kung magutom man ay nandyan lang ang cafeteria (nami-miss ko na ang salitang canteen) o kaya naman ay magpapa-sweet sa mga estudyante para makahingi ng pagkain. Kung mabagot, nandyan ang 3rd at 4th floor ng bagong lib para masurf ng net. Pwede ring magpatalbog-talbog ng mga pebbles sa Zen Garden. At kung di pa rin mawala ang pagkabagot, nandyan pa naman ang mga estudyante para kagatin at mga sangkatutak na libro para – zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz. Kung gustong uminom ng alak, punta lang sa Cantina at Coastnet; wag na sa Drews, madumi daw dun. At kung gusto naman ng yosi ay nandyan lang ang mga smocket para makakuha ng second hand smoke. Di ba, ang saya ng buhay ng mga pusa. Walang kaproble-problema. Kumpleto na sila sa mga kailangan nila sa buhay. At kung di pa rin naman kuntento sa mga pangunahing pangangailangan ay pwedeng pwedeng holdapin ang mga estudyante. Ang sarap maging pusa! (sorry na Dog).

3 comments:

  1. malambing talaga ang mga pusa ng admu. :)) pati nga si gelo nilalambing nila e. hahahaha

    ReplyDelete
  2. wow, na-touch ako. may nag comment hahahahahaha. thanks cate.

    ReplyDelete
  3. kawawa naman si Dog.

    Bad ka Patricia.

    hahahaha.

    -micah

    ReplyDelete